seattle.gov logoSeattle

  • Services & Information
  • Elected Officials
  • Departments
  • Visiting Seattle
  • News
  • Back toSeattle.gov
  • Seattle.gov
    • Elected Officials
    • Services & Information
      • Animals and Pets
        • Animals and Pets 2
          • Animals and Pets3
      • Arts and Culture
      • Building and Construction
      • Business and Economic Development
      • City Administration
      • City Jobs
      • City Planning and Development
      • Court Services
      • Education, Schools and Learning
      • Environment and Sustainability
      • Grants and Funding
      • Housing, Health and Human Services
      • Neighborhood Services
      • Parks, Recreation and Attractions
      • Police, Fire and Public Safety
      • Streets, Parking and Transportation
      • Technology
      • Utilities
      • Volunteering and Participating
    • Departments
    • Boards & Commissions
    • Visiting Seattle
      • Points of Interest
    • Business in Seattle
    • Skip to main content

    News.seattle.gov

    News from the City of Seattle

    Categories

    Ang Ordinansa sa Mga Karapatan sa Pag-deactivate ng Manggagawang App-Based ng Seattle ay Nagbibigay ng mga Bagong Proteksiyon sa Manggagawa

    01/06/2025

    Para sa Agarang Pagpapahayag

    Makipag-ugnayan kay: Cynthia Santana/Communications Manager
    206-256-5219
    cynthia.santana@seattle.gov

    Ang Ordinansa sa Mga Karapatan sa Pag-deactivate ng Manggagawang App-Based ng Seattle ay Nagbibigay ng mga Bagong Proteksiyon sa Manggagawa

    May Bisa sa Enero 1, 2025

    Seattle, WA – (Enero 6, 2025) – Inaanunsiyo ng Office of Labor Standards (OLS) ng Seattle na nagkabisa na ang Ordinansa sa Mga Karapatan sa Pag-deactivate ng Manggagawang App-Based noong Enero 1, 2025. Ang batas na ito ay sumasaklaw sa ilang partikular na manggagawang app-based (na tinutukoy minsan bilang mga gig worker) at nagbibigay ng maraming karapatan at proteksiyon kaugnay ng pag-deactivate para sa mga saklaw na manggagawa.

    Mula noong Enero 1, 2025, ang Ordinansa sa Mga Karapatan sa Pag-deactivate ng Manggagawang App-Based ay nagpoprotekta na sa mga manggagawang app-based mula sa di-makatarungang pagkaka-block, o “pagkaka-deactivate,” mula sa paggamit ng apps kung saan sila kumikita ng pera. Ang pag-deactivate ay permanente o pansamantalang pag-block sa kakayahan ng isang manggagawa upang gampanan ang mga serbisyo para sa isang network company.

    Sa pagitan ng Enero 1, 2025 at Mayo 31, 2027, limitado ang awtoridad ng OLS sa pagpapatupad ng ordinansa. Sa panahong ito, puwedeng mag-imbestiga ang OLS ng mga isyu gaya ng kung naibigay ng network company ang sumusunod:

    • Abiso Tungkol sa Mga Karapatan;
    • Patakaran sa Pag-deactivate;
    • Ebidensiyang nagpapatotoo sa pag-deactivate;
    • Pamamaraan kung paano matututulan ng manggagawa ang pag-deactivate; at
    • Sinunod ang mga kinakailangang hakbang bago at pagkatapos ng pag-deactivate ng manggagawang app-based.

    Hindi pinahihintulutan ang OLS na mag-imbestiga kung na-deactivate ng network company ang isang manggagawa nang may dahilang katanggap-tanggap hanggang sa Hunyo 1, 2027. Sa anumang oras, maaaring mag-imbestiga ang OLS ng mga isyu ng paghihiganti.

    “Una ang Seattle sa nasyong nakapagpasa ng batas na nagpoprotekta sa mga manggagawang app-based mula sa mga di-makatwirang pag-deactivate. Ang mga manggagawang app-based ay mayroon na ngayong karapatang alamin kung bakit sila na-deactivate, kung anong impormasyon ang ginamit ng network company upang isagawa ang pagpapasya nito, at kung paano matututulan ang pag-deactivate, na nagpapatibay at nagpapaigting sa seguridad ng trabaho,” sabi ng Direktor ng OLS na si Steven Marchese. “Maglalaan ang OLS ng pagkakataong makipag-ugnayan, makapagturo, at ng mga mapagkukunan ng tulong sa mga manggagawa at network company upang tiyaking may sapat na kaalaman ang lahat tungkol sa kanilang mga karapatan at tungkulin sa ilalim ng Ordinansa sa Mga Karapatan sa Pag-deactivate ng Manggagawang App-Based.”

    Para sa iba pang impormasyon at mapagkukunan ng tulong tungkol sa Ordinansa sa Mga Karapatan sa Pag-deactivate ng Manggagawang App-Based at iba pang mga batas para sa manggagawang app-based, kasama na rito ang Ordinansa sa May Bayad na Oras para sa Pagkakasakit at Kaligtasan ng Manggagawang App-Based at Ordinansa sa Minimum na Bayad sa Manggagawang App-Based, pakibisita ang webpage ng Mga Ordinansa para sa Manggagawang App-Based ng OLS sa pamamagitan ng pag-click dito. Para sa mga tanong, tumawag sa 206-256-5297 o mag-email sa laborstandards@seattle.gov.

    • Tulong para sa mga network company: para sa libre at pribadong tulong upang makasunod sa mga pamantayan sa paggawa ng Seattle, tumawag sa 206-256-5297, mag-email sa business.laborstandards@seattle.gov o i-click ito upang magsagot ng form ng paghiling online.
    • Tulong para sa mga manggagawang app-based at sa publiko: upang magtanong, maghain ng reklamo, o magbigay ng impormasyon, tumawag sa 206-256-5297, mag-email sa workers.laborstandards@seattle.gov, o i-click ito upang magsagot ng form sa web.

    ###

    Office of Labor Standards, Source: Labor Standards

    Filed Under: News Release, Office of Labor Standards Tagged With: Office of Labor Standards, Source: Labor Standards

    Copyright © 2025 · News Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in

    News.seattle.gov
    Entries (RSS)
    Blog Use Notice
    Log in
    ADA Notice
    Notice of Nondiscrimination
    Privacy
    © 1995- 2025 City of Seattle