Para sa Agarang Pagpapahayag
Makipag-ugnayan kay: Cynthia Santana/Tagapamahala ng Komunikasyon
206-256-5219
cynthia.santana@seattle.gov
Inaanunsiyo ng Tanggapan ng mga Pamantayan sa Paggawa ang Minimum na Sahod sa Seattle sa Taong 2025
Seattle, WA – (Oktubre 3, 2024) – Inaanunsiyo ng Tanggapan ng mga Pamantayan sa Paggawa (OLS, Office of Labor Standards) ng Seattle ang pagtaas ng minimum na sahod sa Seattle na may bisa mula Enero 1, 2025. Iniaatas sa Ordinansa sa Minimum na Sahod ang taunang pagtaas ng minimum na sahod. Ipinapataw ang minimum na sahod kahit ano pa ang katayuan sa imigrasyon ng empleyado. Iaakma ang minimum na sahod sa rate ng inflation batay sa Index ng Presyong Pangkonsyumer (CPI-W) sa Seattle Tacoma Bellevue.
Simula Enero 1, 2025, ang LAHAT ng negosyo, malaki man o maliit, ay magpapasahod sa mga empleyado ng $20.76 kada oras.
Hindi na magagawa ng maliliit na negosyo na ipambuo sa alinmang bahagi ng minimum na sahod ang mga tip o medikal na benepisyong ibinabayad sa kanilang mga empleyado.
Itinatakda sa Ordinansa sa Minimum na Sahod ang minimum na sahod para sa mga empleyadong nagtatrabaho sa loob ng lungsod. Ang kasalukuyang minimum na sahod sa Seattle sa taong 2024 ay $19.97/oras para sa malalaking employer at para sa maliliit na employer na hindi nagpapasahod ng hindi bababa sa $2.72/oras para sa mga medikal na benepisyo ng empleyado at/o kung saan hindi kumikita ang empleyado ng tip na hindi bababa sa $2.72/oras. Ang maliliit na employer na nagbabayad ng $2.72/oras para sa mga medikal na benepisyo at/o kung saan kumikita ang empleyado ng tip na hindi bababa sa $2.72/oras ay kasalukuyang nagpapasahod ng $17.25/oras.
Magpapadala ang OLS ng nirebisang poster para sa lugar ng trabaho na may impormasyon tungkol sa mga pamantayan sa paggawa para sa taong 2025 sa bawat negosyong may lisensiyang magnegosyo sa Seattle. Malapit nang maglabas ng mga kopya ng poster para sa lugar ng trabaho sa wikang Ingles at nang nakasalin sa 33 pang ibang wika. Mag-sign up sa newsletter ng OLS para sa mga pinakabagong update tungkol sa mga pamantayan sa paggawa ng Seattle sa website ng OLS.
- Tulong para sa mga negosyo: para sa libre at pribadong tulong upang makasunod sa mga pamantayan sa minimum na sahod at iba pang pamantayan sa paggawa ng Seattle, tumawag sa 206-256-5297, mag-email sa business.laborstandards@seattle.gov, o i-click ito upang magsagot ng form ng paghiling online.
- Tulong para sa mga manggagawa at sa publiko: upang magtanong, maghain ng reklamo, o magbigay ng impormasyon, tumawag sa 206-256-5297, mag-email sa workers.laborstandards@seattle.gov, o i-click ito upang magsagot ng form sa web.
####