Para sa Agarang Pagpapahayag
Makipag-ugnayan kay: Cynthia Santana/Tagapamahala ng Mga Komunikasyon
206-256-5219
cynthia.santana@seattle.gov
Inaanunsiyo ng Tanggapan ng mga Pamantayan sa Paggawa ang Minimum na Sahod sa Seattle sa 2024
Seattle, WA – (Oktubre 16, 2023) – Inaanunsiyo ng Tanggapan ng mga Pamantayan sa Paggawa (OLS, Office of Labor Standards) ng Seattle ang pagtaas ng minimum na sahod sa Seattle, na ipatutupad sa Enero 1, 2024. Iniaatas sa Ordinansa sa Minimum na Sahod (Minimum Wage Ordinance) ang taunang pagtaas ng minimum na sahod. Ipinapataw ang minimum na sahod kahit ano pa ang katayuan sa imigrasyon ng empleyado. Iaakma ang minimum na sahod sa rate ng inflation batay sa Index ng Presyong Pang-consumer (CPI) sa Seattle Tacoma Bellevue.
- Ang minimum na sahod sa 2024 para sa malalaking employer (may 501 o higit pang empleyado) ay $19.97/oras.
- Ang minimum na sahod sa 2024 para sa maliliit na employer (may 500 o mas kaunting empleyado) na hindi nagbabayad ng hindi bababa sa $2.72/oras para sa mga medikal na benepisyo ng empleyado at/o kung saan hindi kumikita ang empleyado ng tip na hindi bababa sa $2.72/oras ay $19.97/oras.
- Ang minimum na sahod sa 2024 para sa maliliit na employer na nagbabayad ng hindi bababa sa $2.72/oras para sa mga medikal na benepisyo ng empleyado at/o kung saan kumikita ang empleyado ng tip na hindi bababa sa $2.72/oras ay $17.25/oras.
“Ang Seattle ay isa sa mga lugar na may pinakamatataas na minimum na sahod sa bansa – isang malinaw na paninindigan para sa pagtataguyod ng lungsod kung saan makapamumuhay at magtatagumpay ang mga taong nagtatrabaho,” sabi ni Mayor Bruce Harrell. “Patuloy kaming magsusulong ng mga patakaran at programa na susuporta sa mga taong nagtatrabaho at magtitiyak na ang Seattle ay mananatiling tanggulan para sa mga karapatan ng mga manggagawa.”
Itinatakda sa Ordinansa sa Minimum na Sahod ang minimum na sahod para sa mga empleyadong nagtatrabaho sa loob ng lungsod. Ang kasalukuyang minimum na sahod sa Seattle sa taong 2023 ay $18.69/oras para sa malalaking employer at para sa maliliit na employer na hindi nagbabayad ng hindi bababa sa $2.19/oras para sa mga medikal na benepisyo ng empleyado at/o kung saan hindi kumikita ang empleyado ng tip na hindi bababa sa $2.19/oras. Ang maliliit na employer na nagbabayad ng $2.19/oras para sa mga medikal na benepisyo at/o kung saan kumikita ang empleyado ng tip na hindi bababa sa $2.19/oras ay kasalukuyang nagbabayad ng $16.50/oras.
Magpapadala ang OLS ng nirebisang poster para sa lugar ng trabaho na may impormasyon tungkol sa mga pamantayan sa paggawa para sa 2024 sa bawat negosyong may lisensiyang magnegosyo sa Seattle. Malapit nang maglabas ng mga kopya ng poster para sa lugar ng trabaho sa English at sa translation sa 29 na iba pang wika. Mag-sign up sa newsletter ng OLS para sa mga pinakabagong update tungkol sa mga pamantayan sa paggawa ng Seattle sa website ng OLS.
- Tulong para sa mga negosyo: para sa libre at pribadong tulong upang makasunod sa mga pamantayan sa minimum na sahod at iba pang pamantayan sa paggawa ng Seattle, tumawag sa 206-256-5297, mag-email sa business.laborstandards@seattle.gov, o i-click ito upang magsagot ng form ng paghiling online.
- Tulong para sa mga manggagawa at sa publiko: upang magtanong, maghain ng reklamo, o magbigay ng impormasyon, tumawag sa 206-256-5297, mag-email sa workers.laborstandards@seattle.gov, o i-click ito upang magsagot ng form sa web.
####