seattle.gov logoSeattle

  • Services & Information
  • Elected Officials
  • Departments
  • Visiting Seattle
  • News
  • Back toSeattle.gov
  • Seattle.gov
    • Elected Officials
    • Services & Information
      • Animals and Pets
        • Animals and Pets 2
          • Animals and Pets3
      • Arts and Culture
      • Building and Construction
      • Business and Economic Development
      • City Administration
      • City Jobs
      • City Planning and Development
      • Court Services
      • Education, Schools and Learning
      • Environment and Sustainability
      • Grants and Funding
      • Housing, Health and Human Services
      • Neighborhood Services
      • Parks, Recreation and Attractions
      • Police, Fire and Public Safety
      • Streets, Parking and Transportation
      • Technology
      • Utilities
      • Volunteering and Participating
    • Departments
    • Boards & Commissions
    • Visiting Seattle
      • Points of Interest
    • Business in Seattle
    • Skip to main content

    News.seattle.gov

    News from the City of Seattle

    Categories

    Inaanunsiyo ng Office of Labor Standards ang Minimum Wage sa Seattle sa 2023

    10/04/2022

    Para sa Agarang Pagpapahayag

    Makipag-ugnayan kay: Cynthia Santana/Tagapangasiwa ng Komunikasyon
    206-256-5219
    cynthia.santana@seattle.gov

    Inaanunsiyo ng Office of Labor Standards ang Minimum Wage sa Seattle sa 2023

    Seattle, WA – (Oktubre 4, 2022) – Inaanunsiyo ng Office of Labor Standards (OLS, Tanggapan ng mga Pamantayan sa Paggawa) ng Seattle ang pagtaas ng pinakamababang pasahod sa Seattle na may bisa mula Enero 1, 2023. Iniaatas sa Minimum Wage Ordinance (Ordinansa sa Pinakamababang Pasahod) ang taunang pagtaas ng minimum wage. Ipinapataw ang minimum wage kahit ano pa ang katayuan sa imigrasyon ng empleyado. Iaakma ang minimum wage sa rate ng inflation batay sa Consumer Price Index (CPI, Index ng Presyong Pang-consumer) sa Seattle Tacoma Bremerton.

    • Ang minimum wage sa 2023 para sa malalaking employer (may 501 o higit pang empleyado) ay $18.69/oras.
    • Ang minimum wage sa 2023 para sa maliliit na employer (may 500 o mas kaunting empleyado) na hindi nagbabayad ng hindi bababa sa $2.19/oras para sa mga medikal na benepisyo ng empleyado at/o kung saan hindi kumikita ng tip ang empleyado na hindi bababa sa $2.19/oras ay $18.69/oras.
    • Ang minimum wage sa 2023 para sa maliliit na employer na nagbabayad ng hindi bababa sa $2.19/oras para sa mga medikal na benepisyo ng empleyado at/o kung saan kumikita ng tip ang empleyado na hindi bababa sa $2.19/oras ay $16.50/oras.

    Itinatakda sa Minimum Wage Ordinance ang minimum wage para sa mga empleyadong nagtatrabaho sa loob ng lungsod.  Ang kasalukuyang minimum wage sa Seattle ay $17.27/oras para sa malalaking employer at para sa maliliit na employer na hindi nagbabayad ng hindi bababa sa $1.52/oras para sa mga medikal na benepisyo ng empleyado at/o kung saan hindi kumikita ng tip ang empleyado na hindi bababa sa $1.52/oras. Ang maliliit na employer na nagbabayad ng $1.52/oras para sa mga medikal na benepisyo at/o kung saan kumikita ng tip ang empleyado na hindi bababa sa $1.52/oras ay kasalukuyang nagbabayad ng $15.75/oras.

    Magpapadala ang OLS ng nirebisang poster para sa lugar ng trabaho na may impormasyon tungkol sa mga pamantayan sa paggawa sa 2023 sa bawat negosyong may lisensiya para sa pagnenegosyo sa Seattle. Sa kasalukuyan, maaaring mag-download ng kopya ng poster para sa lugar ng trabaho (sa English) sa OLS Website. Ang mga poster na isinalin sa 25 iba pang wika ay makukuha online sa webpage para sa Mga Wika ng OLS dito.

    Mag-sign up sa newsletter ng OLS para sa mga pinakabagong update sa mga pamantayan sa paggawa ng Seattle sa OLS website.  

    • Tulong para sa mga negosyo: para sa libre at pribadong tulong upang makasunod sa mga pamantayan sa minimum wage at iba pang pamantayan sa paggawa ng Seattle, tumawag sa 206-256-5297, mag-email sa business.laborstandards@seattle.gov, o i-click ito para magsagot ng form ng paghiling online.
    • Tulong para sa mga manggagawa at sa publiko: para magtanong, maghain ng reklamo, o magbigay ng impormasyon, tumawag sa 206-256-5297, mag-email sa workers.laborstandards@seattle.gov, o i-click ito para magsagot ng form sa web.

    ####

    Office of Labor Standards, Source: Labor Standards

    Filed Under: News Release, Office of Labor Standards Tagged With: Office of Labor Standards, Source: Labor Standards

    Copyright © 2026 · News Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in

    News.seattle.gov
    Entries (RSS)
    About Our Digital Properties
    Log in
    Title II: Americans with Disabilities Act
    Title VI: Civil Rights Act
    Privacy
    © 1995- 2026 City of Seattle