Simula sa Enero 1, 2022 – Bagong Inaatas na mga Pagbabago sa Pinakamababang Pasahod para sa mga empleyado at manggagawa sa tahanan, at sa Pinakamababang Halaga ng Bayad sa Driver ng Transportation Network Company
Para sa Agarang Pagpapahayag
Makipag-ugnayan kay: Cynthia Santana/Tagapangasiwa ng Komunikasyon
206-256-5219
cynthia.santana@seattle.gov
Inaanunsiyo ng Office of Labor Standardsang Pinakamababang Pasahod sa Seattle sa 2022
Simula sa Enero 1, 2022 – Bagong Inaatas na mga Pagbabago sa Pinakamababang Pasahod para sa mga empleyado at manggagawa sa tahanan, at sa Pinakamababang Halaga ng Bayad sa Driver ng Transportation Network Company
Seattle, WA – (Oktubre 18, 2021) – Inaanunsyo ng Seattle Office of Labor Standards (OLS, Tanggapan ng mga Pamantayan sa Paggawa) ang pagtaas ng pinakamababang pasahod sa Seattle at nag-atas ng mga pagbabago sa halaga ng Pinakamababang Bayad sa Driver ng Transportation Network Company (TNC), simula sa Enero 1, 2022.
Inaatas ng Minimum Wage Ordinance (Ordinansa sa Pinakamababang Pasahod) ang pagtaas na ito. Nalalapat ang pinakamababang pasahod sa lahat ng empleyadong nagtatrabaho sa Seattle, anuman ang kalagayan sa imigrasyon ng empleyado.
- Ang pinakamababang pasahod sa 2022 para sa malalaking employer (may 501 o higit pang empleyado) ay $17.27/Oras.
- Ang pinakamababang pasahod sa 2022 para sa maliliit na employer (may 500 o mas kaunting empleyado) na hindi nagbabayad ng hindi bababa sa $1.52/oras para sa mga medikal na benepisyo ng empleyado at/o kung saan ang empleyado ay hindi kumikita ng hindi bababa sa $1.52/oras sa mga tip ay $17.27/Oras.
- Ang pinakamababang pasahod sa 2022 para sa maliliit na employer na nagbabayad ng hindi bababa sa $1.52/oras para sa mga medikal na benepisyo ng empleyado at/o kung saan kumikita ang empleyado ng hindi bababa sa $1.52/oras sa mga tip ay $15.75/oras.
Magpapadala ang OLS ng binagong poster para sa lugar ng trabaho na naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga pamantayan ng paggawa sa 2022 sa lahat ng negosyong may lisensya ng negosyo ng Seattle. Sa kasalukuyan, puwede nang i-download ang mga kopya ng poster para sa lugar ng trabaho (sa wikang Ingles) sa OLS Website. Ang mga poster na naisalin sa 19 na iba pang wika ay makukuha online sa OLS Languages webpage dito.
Inaanunsyo rin ng OLS ang inaatas na halaga ng Pinakamababang Bayad sa Driver ng Transportation Network Company (TNC) kada milya at pinakamababang halaga kada biyahe, alinsunod sa inaatas ng Seattle Municipal Code 14.33. Nagkaroon ng bisa ang batas na ito noong Enero 1, 2021, at inaatas na magbigay ang mga TNC gaya ng Uber at Lyft ng pinakamababang bayad kada minuto at kada milya na hindi bababa sa katumbas ng pinakamababang pasahod ng malaking employer sa Seattle dagdag pa ang bayad para sa mga makatuwirang gastusin. Saklaw ng batas na ito ang mga driver ng TNC na nagsasagawa ng mga serbisyo ng TNC sa Seattle, anuman ang kalagayan ng kanilang imigrasyon.
Simula sa Enero 1, 2022, dapat na bayaran ng mga TNC ang karamihan sa pinakamababang halaga kada milya na $1.38 at halaga kada minuto na $0.59, o ang pinakamababang halaga kada biyahe na $5.17 sa lahat ng biyahe, kasama na kung kinansela ng customer o TNC ang biyahe. Ia-update ng OLS ang mga sanggunian at magbibigay ng karagdagang impormasyon bago magkaroon ng bisa ang mga bagong presyo sa Enero 1, 2022.
Gayundin simula sa Enero 1, 2022, hinihikayat ang mga nagpapatrabaho o nagbabayad para sa mga serbisyo ng manggagawa sa tahanan na sinasaklaw ng Domestic Workers Ordinance (DWO, Ordinansa para sa mga Manggagawa sa Tahanan) na ipamahagi ang 2022 Model Notice of Rights and Pay Information (Modelong Abiso ng mga Karapatan at Impormasyon sa Suweldo) sa kanilang manggagawa, sa wika na pinakakomportableng ginagamit ng manggagawa. Makukuha rin ang modelong abiso na ito sa website ng OLS sa wikang Ingles, Kastila, at iba pang wika. Ina-update ng OLS ang abiso kada taon para maipakita ang mga pagtaas sa pinakamababang pasahod na kailangang ibigay sa mga manggagawa sa tahanan sa ilalim ng Domestic Workers Ordinance. Pakibisita ang webpage ng Domestic Workers Ordinance para i-download ang DWO Notice of Rights (Abiso ng mga Karapatan) at para sa higit pang impormasyon tungkol sa Ordinansa.
Mag-sign up sa newsletter ng OLS para sa mga pinakabagong update sa mga pamantayan sa paggawa ng Seattle sa OLS website.
- Tulong para sa mga negosyo: para sa libre at pribadong tulong para sa pagsunod sa mga pamantayan sa pinakamababang pasahod at iba pang pamantayan sa paggawa ng Seattle, tumawag sa 206-256-5297, mag-email sa business.laborstandards@seattle.gov o mag-click dito para punan ang form ng kahilingan online.
- Tulong para sa mga manggagawa at sa publiko: para magtanong, maghain ng reklamo, o magbigay ng impormasyon, tumawag sa 206-256-5297, mag-email sa workers.laborstandards@seattle.gov, o mag-click dito para punan ang form sa web.
####