Para sa Agarang Pagpapahayag
Makipag-ugnayan kay: Cynthia Santana/Tagapamahala ng Mga Komunikasyon
206-256-5219 cynthia.santana@seattle.gov
Inaanunsiyo ng Tanggapan ng Mga Pamantayan ng Paggawa ang Pinakamababang Pasahod sa Seattle sa 2021
Seattle – (Oktubre 6, 2020) – Inaanunsiyo ng Tanggapan ng Mga Pamantayan ng Paggawa (OLS, Office of Labor Standards) ng Seattle ang pagtaas ng pinakamababang pasahod sa Seattle na may bisa mula Enero 1, 2021. Inaatas ng Ordinansa sa Pinakamababang Pasahod (Minimum Wage Ordinance) ang pagtaas na ito. Saklaw ng pinakamababang pasahod ang lahat ng mga empleyadong nagtatrabaho sa Seattle anuman ang kalagayan sa imigrasyon ng empleyado.
- Ang pinakamababang pasahod sa 2021 para sa malalaking employer (may 501 o higit pang empleyado) ay $16.69/oras.
- Ang pinakamababang pasahod sa 2021 para sa maliliit na employer (may 500 o mas kaunting empleyado) na hindi nagbabayad ng hindi bababa sa $1.69/oras para sa mga medikal na benepisyo ng empleyado at/o kung saan ang empleyado ay hindi kumikita ng hindi bababa sa $1.69/oras sa mga tip ay $16.69/oras.
- Ang pinakamababang pasahod sa 2021 para sa maliliit na employer na nagbabayad ng hindi bababa sa $1.69/oras para sa mga medikal na benepisyo ng empleyado at/o kung saan kumikita ang empleyado ng hindi bababa sa $1.69/oras sa mga tip ay $15.00/oras.
Magpapadala ang OLS ng binagong poster para sa lugar ng trabaho na naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga pamantayan ng paggawa sa 2021 sa lahat ng negosyong may lisensya ng negosyo ng Seattle. Ang mga kopya ng poster para sa lugar ng trabaho (sa wikang Ingles) ay maaaring i-download sa website ng OLS. Isasalin ng OLS ang poster sa 19 na ibang wika at iaanunsiyo nito ang pagkakaroon ng mga pisikal at online na kopya sa pamamagitan ng newsletter nito. Mangyaring mag-sign up para dito sa website ng OLS.
- Tulong para sa mga employer: para sa libre at pribadong tulong para sa pagsunod sa mga pamantayan sa pinakamababang pasahod at iba pang pamantayan sa paggawa ng Seattle, tumawag sa 206-256-5297, mag-email sa business.laborstandards@seattle.gov o mag-click dito para punan ang form ng kahilingan online.
- Tulong para sa mga manggagawa at sa publiko: para magtanong, maghain ng reklamo, o magbigay ng impormasyon, tumawag sa 206-256-5297, mag-email sa workers.laborstandards@seattle.gov o mag-click dito para punan ang form sa web.
####