seattle.gov logoSeattle

  • Services & Information
  • Elected Officials
  • Departments
  • Visiting Seattle
  • News
  • Back toSeattle.gov
  • Seattle.gov
    • Elected Officials
    • Services & Information
      • Animals and Pets
        • Animals and Pets 2
          • Animals and Pets3
      • Arts and Culture
      • Building and Construction
      • Business and Economic Development
      • City Administration
      • City Jobs
      • City Planning and Development
      • Court Services
      • Education, Schools and Learning
      • Environment and Sustainability
      • Grants and Funding
      • Housing, Health and Human Services
      • Neighborhood Services
      • Parks, Recreation and Attractions
      • Police, Fire and Public Safety
      • Streets, Parking and Transportation
      • Technology
      • Utilities
      • Volunteering and Participating
    • Departments
    • Boards & Commissions
    • Visiting Seattle
      • Points of Interest
    • Business in Seattle
    • Skip to main content

    News.seattle.gov

    News from the City of Seattle

    Categories

    Inaanunsiyo ng Tanggapan ng Mga Pamantayan ng Paggawa ang Pinakamababang Pasahod sa Seattle sa 2021

    10/06/2020

    Para sa Agarang Pagpapahayag

    Makipag-ugnayan kay: Cynthia Santana/Tagapamahala ng Mga Komunikasyon

    206-256-5219 cynthia.santana@seattle.gov

    Inaanunsiyo ng Tanggapan ng Mga Pamantayan ng Paggawa ang Pinakamababang Pasahod sa Seattle sa 2021

    Seattle – (Oktubre 6, 2020) – Inaanunsiyo ng Tanggapan ng Mga Pamantayan ng Paggawa (OLS, Office of Labor Standards) ng Seattle ang pagtaas ng pinakamababang pasahod sa Seattle na may bisa mula Enero 1, 2021. Inaatas ng Ordinansa sa Pinakamababang Pasahod (Minimum Wage Ordinance) ang pagtaas na ito. Saklaw ng pinakamababang pasahod ang lahat ng mga empleyadong nagtatrabaho sa Seattle anuman ang kalagayan sa imigrasyon ng empleyado.

    • Ang pinakamababang pasahod sa 2021 para sa malalaking employer (may 501 o higit pang empleyado) ay $16.69/oras.
    • Ang pinakamababang pasahod sa 2021 para sa maliliit na employer (may 500 o mas kaunting empleyado) na hindi nagbabayad ng hindi bababa sa $1.69/oras para sa mga medikal na benepisyo ng empleyado at/o kung saan ang empleyado ay hindi kumikita ng hindi bababa sa $1.69/oras sa mga tip ay $16.69/oras.
    • Ang pinakamababang pasahod sa 2021 para sa maliliit na employer na nagbabayad ng hindi bababa sa $1.69/oras para sa mga medikal na benepisyo ng empleyado at/o kung saan kumikita ang empleyado ng hindi bababa sa $1.69/oras sa mga tip ay $15.00/oras.

    Magpapadala ang OLS ng binagong poster para sa lugar ng trabaho na naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga pamantayan ng paggawa sa 2021 sa lahat ng negosyong may lisensya ng negosyo ng Seattle. Ang mga kopya ng poster para sa lugar ng trabaho (sa wikang Ingles) ay maaaring i-download sa website ng OLS. Isasalin ng OLS ang poster sa 19 na ibang wika at iaanunsiyo nito ang pagkakaroon ng mga pisikal at online na kopya sa pamamagitan ng newsletter nito.  Mangyaring mag-sign up para dito sa website ng OLS.  

    • Tulong para sa mga employer: para sa libre at pribadong tulong para sa pagsunod sa mga pamantayan sa pinakamababang pasahod at iba pang pamantayan sa paggawa ng Seattle, tumawag sa 206-256-5297, mag-email sa business.laborstandards@seattle.gov o mag-click dito para punan ang form ng kahilingan online.
    • Tulong para sa mga manggagawa at sa publiko: para magtanong, maghain ng reklamo, o magbigay ng impormasyon, tumawag sa 206-256-5297, mag-email sa workers.laborstandards@seattle.gov o mag-click dito para punan ang form sa web.

    ####

    Office of Labor Standards, Source: Labor Standards

    Filed Under: News Release, Office of Labor Standards Tagged With: Office of Labor Standards, Source: Labor Standards

    Copyright © 2025 · News Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in

    News.seattle.gov
    Entries (RSS)
    About Our Digital Properties
    Log in
    Title II: Americans with Disabilities Act
    Title VI: Civil Rights Act
    Privacy
    © 1995- 2025 City of Seattle