seattle.gov logoSeattle

  • Services & Information
  • Elected Officials
  • Departments
  • Visiting Seattle
  • News
  • Back toSeattle.gov
  • Seattle.gov
    • Elected Officials
    • Services & Information
      • Animals and Pets
        • Animals and Pets 2
          • Animals and Pets3
      • Arts and Culture
      • Building and Construction
      • Business and Economic Development
      • City Administration
      • City Jobs
      • City Planning and Development
      • Court Services
      • Education, Schools and Learning
      • Environment and Sustainability
      • Grants and Funding
      • Housing, Health and Human Services
      • Neighborhood Services
      • Parks, Recreation and Attractions
      • Police, Fire and Public Safety
      • Streets, Parking and Transportation
      • Technology
      • Utilities
      • Volunteering and Participating
    • Departments
    • Boards & Commissions
    • Visiting Seattle
      • Points of Interest
    • Business in Seattle
    • Skip to main content

    News.seattle.gov

    News from the City of Seattle

    Categories

    Sinimulan ng Seattle Office of Labor Standards ang proseso ng pampublikong paggawa ng panuntunan para sa Domestic Worker’s Ordinance

    03/06/2019

    Para sa Agarang Pagpapahayag

     

    Makipag-ugnayan kay: Cynthia Santana/Manager ng Komunikasyon 206-256-5219 cynthia.santana@seattle.gov

     

    Sinimulan ng Seattle Office of Labor Standards ang proseso ng pampublikong paggawa ng panuntunan para sa Domestic Worker’s Ordinance

    Seattle (Marso 6, 2019) – Inanunsiyo ng Office of Labor Standards (OLS, Tanggapan ng Mga Pamantayan sa Paggawa) ang simula ng proseso nito ng pagbuo ng administratibong panuntunan para sa Domestic Workers Ordinance (Ordinansa para sa Mga Manggagawa sa Tahanan). Lilinawin ng mga panuntunan ang kahulugan at aplikasyon ng ordinansya sa mga paksa tulad ng lawak ng saklaw at pananagutan, kung paano magagamit ang mga panahon para sa pahinga, at iba pang isyu na hindi partikular na ipinaliliwanag sa batas.

     

    Noong nakaraang taon, ang Lungsod ng Seattle ang naging unang Lungsod na nagpatibay ng Domestic Workers Bill of Rights (Katipunan ng Mga Karapatan ng Mga Manggagawa sa Tahanan), na magkakabisa sa Hulyo 1, 2019 at inaatas na dapat makatanggap ang mga manggagawa sa tahanan ng minimum na sahod, pati na rin panahon para sa pahinga at pagkain.

     

    Kabilang sa proseso ng paggawa ng panuntunan ang pagtipon ng feedback mula sa mga manggagawa sa tahanan, mga sambahayan, ibang entidad na kumukuha ng mga manggagawa, at mga organisasyon sa komunidad. Magsisimula ang OLS na magsagawa ng mga pagpupulong ng mga stakeholder sa huling bahagi ng Marso at magkakaloob ng pagsasalin at pangangalaga ng bata kapag hiniling ito. Maaaring magbigay ng komento ang publiko sa mga ipinanukalang panuntunan sa huling bahagi ng Hunyo. Inaasahang iaanunsiyo ang huling mga panuntunan sa Oktubre at magkakabisa sa katapusan ng taon.

     

    Upang magpahiwatig ng interes sa pagsali sa amin sa mga pagpupulong ng mga stakeholder, upang ibahagi ang iyong mga ideya para sa mga panuntunan, o para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan kay Jeneé Jahn, Tagasuri ng Patakaran, sa jenee.jahn@seattle.gov.

     

    Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Domestic Worker’s Ordinance mangyaring bisitahin ang aming website o tumawag sa 206-256-5297.

     

     

    ####

    Office of Labor Standards, Source: Labor Standards

    Filed Under: News Release, Office of Labor Standards Tagged With: Office of Labor Standards, Source: Labor Standards

    Copyright © 2026 · News Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in

    News.seattle.gov
    Entries (RSS)
    About Our Digital Properties
    Log in
    Title II: Americans with Disabilities Act
    Title VI: Civil Rights Act
    Privacy
    © 1995- 2026 City of Seattle